Sa writing task ko, since Academic yung IELTS ko, yung 1st part is a bar graph tungkol sa time spent ng mga babae/ lalake sa household chores in a span of 20 years.
tapos yung 2nd part is essay about college.
di ko na nga binilang yung number of words eh, basta sulat lang ako nang sulat.
Yung listening task medyo madali yung iba pero meron talagang mga part na sobrang nakakalito kasi mabilis talaga magsalita and tuloy tuloy haha, if you missed one hayaan mo na lang, go ka na lang agad sa next one kasi you might end up missing more items if you dwell so much on the items na hindi mo masyadong narinig/ naintindihan. saka READ the questionnaires before magplay yung cd para alam mo yung mga answers na need mo, para alam mo kung saang part ka ng conversation kailangan mag focus.
saka sagot lang ng sagot, don't stay too long a isang item, skip mo muna then balikan mo na lang (sa reading exam). medyo mahaba kasi yung mga passages for reading exam, so it's better talaga na wag mo basahin yung buong passage (as much as possible) may mga questions naman na madali lang hanapin yung answers, then pag dating nyo sa mahirap na parts or mga questions na hindi kayo sure sa answer or di nyo alam ang sagot, saka nyo na basahin mabuti yung passages. sobrang magagahol ka kasi sa oras eh, so skip talaga muna ang questions na hindi agad mahanap yung answers.
๐