Kinuconsider din po ng Landlord ang dami ng titira sa bahay nya, stability ng job, amount ng pumapasok na pera sa account ng titira, number of children, pets, history ng rental(if there is any) kung on time magbayad...Medyo may disadvantage ang may bata...
May edge tayong pinoy kasi maganda naman ang record natin when it comes to renting.Malinis tayo sa bahay at responsable...In fact yung yung property manager ko, ang preference daw nila pinoy.
Unsolicited advice lang, mas maganda may job ka muna, or may idea ka na kung saang school mo ipapasok ang anak mo, bago ka magdecide kung saan ka magrerent ng house. Better kung makitira ka muna temporarily, mag scout ka sa mga area then kapag may na feel ka na na lugar, doon ka magdecide.
My first few days here, nag train ako, buong araw, pununtahan ko ang north, south, east, and west. isang presyo lang naman ang pamasahe kaya, go ako sa lahat ng lugar. 🙂